JANINA Kanina pa ako na hindi mapakali dito sa trabaho. Paano ba naman kasi kagabi pa na hindi nagpaparamdam si Justin, hindi ako pinuntahan sa amin at hindi man lang magawang tumawag at magtext. Kaya heto pumasok akong puyat at malungkot. May problema kaya 'yon sa akin? Mukhang hindi din yata pumasok dahil sabi ni Annie, iba daw ang supervisor na naka-duty ngayong araw sa supermarket. Mukhang nagpa-reliever siya. Napabuntong hininga ako. Hindi talaga normal ang araw ko kung ganito na parang may problema kami ni Justin. "Hay naku, girl, kanina ka pa wala sa sarili mo. Nagtutugma pa ba 'yang tally ng system inventory mo?" Sabi ni Annie na nakapameywang pa habang tinatanaw akong nag-i-scan ng items. Umiling ako at bumuntong hininga. Tinuloy ko lang ang ginagawa ko at hindi siya inimik