JANINA "Miss, puwede daw silang mag-request ng kanta. Nagandahan po sila sa boses niyo eh," sabi ng serbidora na lumapit sa akin, tinuro pa niya ang kinaroroonan ng mga customer na tinutukoy niya. Nakatingin sila sa gawi namin. Nang mapatingin kami doon ni Annie ay kumaway sila at ngumiti. Hindi naman nakakabastos ang ngiti nila. Alam ko iyon dahil naranasan ko ng mabastos noon kapag may mga gig kami. "Okay po. I-save na lang po nila ang song na gusto nilang ipakanta sa akin." Nag-okay sign ang serbidora sa gawi ng nagrequest sa akin na kumanta. Nag-okay sign din sila at nagpalakpakan. "Hinay-hinay sa inom ha, baka mahirapan akong iuwi ka," awat ko kay Annie nang makita kong naubos na niya agad ang tatlong bote ng beer. Namumula na ang pisngi niya. Habang kinakanta ko ang request