JANINA "Mukhang masaya ang pasko natin ah. Sinagot mo na ba?" tanong ni Annie habang nag-aayos kami ng mga stocks sa mga shelf. Ngumiti ako at marahang tumango. Bigla siyang nagtatalon at animo'y tumitili pero wala namang tunog. Natawa ako. Sinaway ko siya at bahagya pang luminga-linga, baka mapagalitan kami sa ginagawa niya. "Nag-kiss ba kayo?" tanong niya habang nanliliit ang kaniyang mata, tila sinusuri ang labi ko. Nag-iwas ako ng tingin. "Huwag mo ng sagutin ang tanong ko. Halata naman eh. Medyo namaga labi mo kahit naka-lipstick ka," aniya. "Mesherep ba ang labi niya?" Sinenyasan ko siya na tumahimik dahil baka may ibang makarinig. "Kill joy ka pa rin," aniya. "Kiss lang iyon, ano pa kaya kung higit pa sa kiss sa kiss ang ginawa niyo. Tiyak kong hahanap-hanapin mo ang mga ha