JANINA'S POV "Papayag ba naman tayo na ako lang ang kakanta. Siyempre hindi. May kasama kaya tayong international singer," saad ni Maki. Inubos ko muna ang beer bago ako tumayo at humakbang hanggang sa makatuntong ako ng stage. Tinignan ko ang song na nasa ipad ni Maki. Kumunot ang noo ko ng makita ko ang kanta. Inilingan ko siya pero nginisihan lang niya ako. Nagsimula ng tumugtog ang kabanda niya kaya napapikit na lang ako. Huminga ako ng malalim at sinulyapan ang mga bisita na nagsipalakpakan. Pumikit at sinimulang kumanta. I know the song, ginawan ko ito ng cover at may ilang million views na ito sa youtube. Hindi ko in-expect na kakantahin ko ito sa harap ni Justin. Bakit ba kailangang magsinungaling kung puwede namang sabihin ang totoo? "Congrats," bulong sa akin ni Maki n