JANINA Una kong hinanap ang celphone pagkagising na pagka-gising ko. Naisip ko na baka may text na galing kay Justin, since nasa kaniya naman na ang number ko. Ilusyonada ka, Janina, ang aga-aga, sita ng isip ko. Excited kong sinilip ang aking inbox. May text nga siya! Malapad akong ngumisi habang pinipigilang tumili.. Dalawang mensahe ang pinadala niya, isa kagabi at ang isa ay kaninang alas-singko ng umaga. Good night at Good morning lang naman ang message niya pero hindi ko na ma-kontrol ang sarili ko. Parang gusto ng magtatalon sa saya. Nailing ako. Kalma, self. Text lang 'yan. Napaka-plain nga lang ng message niya eh. Sobrang casual lang. Pero at least may message siya. Ibig sabihin ako ang nasa isip niya bago matulog kaya may pa-good night siya. At ako ang unang naisip niya