JUSTIN Hindi ko malaman kung bakit kailangan ko pang humingi ng tulong at payo sa mga kaibigan ko. I am asking for their help because of a woman. Dahil kay Janina kailangan kong magpa-impress. Hindi ko pa ito nagagawa sa tanang buhay ko dahil babae naman lagi ang nagpapa-impress sa akin. Kaya naman puro kantiyaw na ang inaabot ko sa mga kaibigan ko na kilala ang totoong ako. Lihim akong napatawa. Sinuksok ko ang celphone sa bulsa ng aking slacks saka muling nag-ikot-ikot dito sa selling area ng supermarket. Awtomatikong napapalingon at napapanganga ang mga babaeng staffs ng makita nila akong parating. Maging ang mga ilang customer ay natitigilan din sa kanilang ginagawa at tahimik akong pinagmasdan. Napapailing ako sa aking isipan. Tsss. Women. Ayos sana kung si Janina ang magpaki