Kabanata II

1631 Words
JUSTIN "Mr. Dela Vega, this is my only child, Adelle," pagpapakilala ni Mr. Rivas sa kaniyang anak. Si Mr. Rivas ay ang nagmamay-ari RM shopping malls dito sa buong Pilipinas. "This is Justin Dela Vega, my only grand child," pakilala naman ni lolo sa akin. Agad naglahad ng kamay si Adelle sa akin. May malaki at matamis na ngiti na nakapaskil sa kaniyang mga labi. Tipid ko lang siyang nginitian at agad ding bumitaw sa aming magkadaupang-palad pero hindi niya agad binitawan ang kamay ko. Bahagya pa niyang hinaplos ang aking kamay, tila may pinapahiwatig sa kilos niyang iyon. Pinagkibit balikat ko ang ginawa niya. Maganda naman siya, sexy at matangkad pero wala akong maramdaman na atraksyon sa kaniya. I feel so irritated. The woman show her interest in me. Naging pormal ang dinner. Paminsan-minsan lang akong magsalita. Kung may tinatanong si lolo o kaya si Mr. Rivas doon lang ako nagsasalita. Magkatapat kami ng upuan ni Adelle, at sa tabi naman nia ay ang kaniyang daddy na nakaupo sa tapat ni Lolo. Madalas ang pagsulyap sa akin ni Adele pero hindi ko siya binigyang pansin. I know what exactly those gestures are. Hindi ko maarok sa aking kalooban ang anumang atraksiyon para sa kaniya. Hindi ko mapipilit ang sarili ko sa kasal na pinagkakasunduan ng aming mga pamilya. Mabuti at hindi nila naisisingit sa usapan ang tungkol sa kasal. Pinipilit kong maging pormal kahit ang totoo'y bagot na bagot na ako. Sanay na ako sa mga meetings, pero alam ko na ang tungkol sa engagement talaga namin ang agenda ng meeting na ito kahit pa ang partnership ang pinag-uusapan ng lolo at ni Mr. Rivas. Pinagbigyan ko lang si lolo habang hindi ko pa naisasakatuparan ang aking plano. This will be the last time that I will do what he ask me to do. Last time. Nang matapos ang dinner ay nakahinga ako ng maluwag. Nauna na akong maglakad palabas ng restaurant --- patungo sa aking sasakyan. Hinabol ako ni Adele at dali-dali itong sumakay sa passenger seat ng aking sasakyan. "Can I go with you?" tanong niya habang may nakapaskil na matamis na ngiti sa kaniyang mga labi. "I'll be hanging out with my friends tonight," tugon ko gamit ang seryosong tono upang ipahiwatig ang pagkadisgusto. Malapad na ngiti lamang ang sinagot niya sa akin. She's determined to ruin my night. Like those woman -- eager to catch my attention. I am starting to feel sick about it. Nakakapanibago. "Alright! I love to party!" tili niya. Sinuot niya ang seatbelt. "Let's go!" aya niya. Hindi ko man siya gustong makasama ay wala na din akong nagawa pa. Ayaw kong maging bastos lalo na at kasosyo namin sa negosyo ang pamilya nila. Agad ko nang pinaandar ang sasakyan at nagmaneho papunta sa bar na kinaroroonan ng mga kaibigan ko. Pagdating sa couch na inookupa ng mga kaibigan ko ay agad akong inusisa ng mga ito. Hindi ko ugaling nagsasama ng babae sa mga lakad ko kaya pinagtaka ng mga kaibigan ko na kasama ko si Adele ngayon. "Magugunaw na ba ang mundo? The man who isn't capable of loving," sarkastikong sambit ni Marko sa akin. "She's the daughter of the Rivas," tamad kong sagot sa kanila. Bahagya kaming lumayo sa mga babae para mag-usap-usap. "So, you are really marrying?" tanong ni James. "Hell no!" asik ko. Tinawanan nila ako. Agad kong pinulot at tinungga ang isang shot ng tequilla. "May nabuo na akong plano," sabi ko pagkababa ko ng baso na ininuman ko. Bumuntong hininga ako at ng may maalala ay napatingin ako sa stage. "They don't sing here during weekdays. Mga estudyante ang mga miyembro ng banda na iyon," paliwanag ng kaibigan kong si James. Tipid lang akong ngumiti. Ilang buwan na din ang nakakaraan ng huli kong nakita ang bokalista ng banda na iyon. Hindi ko maunawaan ang aking sarili kung bakit hindi pa din siya mawala sa isipan ko. It's as of we have interact. Hindi kagaya ng nga nagdaang mga babae sa buhay... sa kama ko, rather -- na hindi ko na halos maalala ang mga mukha at pangalan. May problema ka na nga, nagawa mo pang isipin ang babaeng iyon. Sumandal ako at pumikit. Kailangan ko ng maisakatuparan ang plano sa lalong madaling panahon, kung hindi ay tapos na ang maliligayang araw ko. Sinipat ko ng tingin si Adele na abala sa pakikipag-usap sa mga babaeng kasama niya. Wala talaga akong maramdaman na kahit ano'ng atraksyon sa kaniya. Kaya hindi ko siya maaring pakasalan. Magiging miserable lang ang buhay ko. JANINA'S POV Pagkatapos ng ilang buwan ay dumating na ang araw na pinakahihintay ko. Graduation day ko na at labis ang kasiyahan na aking nararamdaman. Hindi mawala-wala ang ngiti sa aking mga labi habang ang mga mata nama'y lumuluha. Tears of joy, ika nga nila. All my hard works paid off. Bukod sa diploma na natanggap ko ay nagtapos din ako bilang magna-cumlaude. Hindi naging sagabal ang aking busy na schedule at pagiging working student ko. Hindi sapat sa akin na magtatapos lang ako. Goal ko talaga ang magtapos na may mataas na marka para maging advantage sa paghahanap ko ng trabaho -- sa pagpasok ko sa mga malalaking kompanya. Maluha-luha akong tumayo sa entablado -- sa harap ng aking mga kaklase at magulang na mangiyak-ngiyak sa labis na kasiyahan. "Una sa lahat, thank you, Lord, sa paggabay sa akin sa mga taon na nagdaan. Hindi mo kami pinabayaan." Huminga ako ng malalim at pinagdikit ko ang aking mga palad. Pagkatapos ay muli kong binalik ang aking tingin sa aking harapan. Nginitian ko si nanay. "Thank you, nanay." Huminga ako ng malalim. "Alam kong hindi madali ang magtaguyod sa dalawang anak ng mag-isa, pero nakaya mo." Pumiyok ako kaya tumigil ako saglit sa pagsasalita. Naluluha akong nakatingin sa aking ina na kanina pa nagpupunas ng luha. "Maraming salamat sa sakripisyo, nanay. Hayaan mo at susuklian ko ang lahat ng iyan," nakangiti kong sambit. Makakapag-trabaho na ako at kalaunan mabibigyan ng magandang buhay ang pamilya ko. Hindi na maglalabada ang nanay. Nag-iyakan at palakpakan ang lahat matapos ang aking speech. Pagbaba ko ng entablado ay agad akong sinugod ng yakap ng aking mga kaibigan. Lahat ng pagsisikap namin ngayon ay nagbunga na. "Congratulations, Jaki," nakangiting bati sa akin ni Kyle. May dala siyang paper bag at isang bouquet ng pulang rosas. Nag-alangan siyang iabot ito sa akin. Nagpasalamat ako at nginitian siya. Lagi kong tinatanggihan ang mga binibigay niya sa akin noon. Total huling pagkikita naman na namin ngayon, okay lang naman siguro kung tanggapin ko ang bigay niya. Inabot ko ang hawak niya kaya agad lumiwanag ang kaniyang mukha. Ngumiti siya at tumikhim. "I wanted to tell you that... I won't ever forget you. Kung magkikita tayo ulit at single ka pa. I'll make sure na magiging akin ka na that time." Dali-dali na siyang tumalikod at nagalakad palayo. Narinig ko ang tuksuhan ng mga kasama namin. Nangingiti akong pinagmasdan siyang paalis. Naging isahan na ang selebrasyon ng pagtatapos namin nina Yela at Yana. Nasa iisang lugar lang naman kami nakatira. Pamilya na din ang turing namin sa kanila. Mamayang gabi nga ay napagplanuhan naming magsaya. Dahil nakapagtapos kami ng may matataas na marka ay napagpasiyahan naming mag-party sa bar na sinasabi ng mga kasama ko sa banda. Nais naming maranasan ang ganoong mundo kung saan hindi kami napapabilang. Reward man lang namin sa aming mga sarili. We deserve to have fun after all those years of struggle. Deserve naming mag-saya dahil hindi biro ang mga pinagdaanan namin bago makapagtapos. Suot namin ang best dress at pak na make-up na si Yela ang gumawa ay ready na kami para sa party. Pagbaba namin ng taxi na naghatid sa amin ay agad kaming sinalubong ng mga kasama ko sa banda. Mga kasabayan din namin sila na nagtapos ng kolehiyo. Kumakanta ako every weekends sa bar, pero hindi tulad ngayon, nasa isang sosyal na bar ako para makisaya at mag-party. Bahagya kong hinihila pababa ang suot kong maiksing dress. Nasobrahan sa iksi ang pinasuot sa akin ni Yela. Sexy din naman ang sinusuot ko kapag may gig. Pero itong damit na galing kay Yela ay animo'y hiniram sa isang escort na nagtatrabaho sa may Ermita. Paano ako sasayaw kung hirap akong kumilos? Kaunting galaw lamang ay masisilipan na ako, isip-isip ko. "Ano ka ba! Ganiyan ang sinusuot ng mga sossy. Mas daring pa nga yung iba," saway sa akin ni Yela. Tila sanay na sanay ito sa pagrampa ng suot na daring na dress ngayon. "Dapat 'yung damit ko na lang kasi ang sinuot ko, eh," nakangusong sambit ko. "Huwag kang ganiyan napaghahalataan ka na mahirap," muli na namang saway ni Yela sa akin na siyang kinaikot ng aking mata. Go na go talaga ang babaeng 'to sa mga ganitong bagay. Hinila kami ng iba pa naming mga kaibigan at nakisalo sa mga nagka-kasiyahan. Uminom kami ng iba't-ibang mga inumin. Sumayaw kasabay ng mga wild musics na pinapatugtog ng dj sa bar. We dance as of there's no tomorrow. "This is the start of our dream life, cheers!" sabay-sabay nilang sambit. Magpapaka-lasing kami at magsasaya hanggang mag-umaga. Sa wakas, magsisimula na ang pag-abot namin sa buhay na inaasam. Nakikinita ko na ang aking sarili na nakaupo sa isang swivel chair, may sariling table at sumasahod ng malaki. Kalaunan ay mapo-promote at mas tataas pa ang sahod. Napangiti ako sa aking naiisip. Pero mukhang may bago na naman kaming kahaharaping pagsubok. Naputol ang kasiyahan namin dahil sa tawag kay nanay. Pinapalayas na daw kami ng may-ari ng inuupahan naming bahay. Ang sabi ni nanay ay lilipat na daw kami sa Bulacan. Dali-dali na kaming umuwi kahit hindi pa namin lubusang na-enjoy ang party. Mukhang totoo nga ang kasabihan ng mga matatanda. "Sabi nila, may kapalit ang bawat kasiyahan."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD