JANINA'S POV "Wala ka na bang nakalimutan, besh?" Tanong ni Annie habang iniisa isa naming tignan ang mga pinamili namin na nakalagay sa mga paper bag. "Kumpleto na ito, may mga nabili pa nga tayo na wala naman sa listahan." "Nakakatuwa din magbuntis noh? Kahit mahirap," sabi ni Annie na agad ding nagsisi sa huling sinabi. Bumuntong hininga ako. "Oo, kahit madalas pa din akong umiyak, nagpapakatatag ako para kay Angelo. Kaya masuwerte ka at pinanagutan ka ni Mark," tugon ko habang nakatingin sa kaniya ng na may mumunting ngiti sa labi. "Naku, hindi ko talaga siya tinantanan hangga't hindi niya ako ibahay no." Natawa ako kay Annie na umiirap tuwing 'yan ang usapan namin. Paano noong nalaman na buntis siya ay inaraw-araw na niyang kulitin si Mark. Tinatakot pa niya ito na magpapakama