JANINA'S POV "Tessa, sige na. Please, sabihin mo na sa akin kung ano ang address ni justin sa manila," pakiusap ko kay Tessa habang umiiyak. Lumuhod na din ako sa harap niya. Pinuntahan ko siya dito sa kanilang bahay para itanong ang kinaroroonan ni Justin, hindi pa din kasi siya umuuwi hanggang ngayon. "Sorry, Jaki, pero hindi talaga namin alam," sagot ni tessa na buong pasensya pa din akong pinakikitunguhan kahit makulit ako. T-in-ext ko na siya pero dahil sa lungkot na nararamdaman ko ay pinuntahan ko pa din siya dito para tanungin. Hindi ako makatulog dahil sa labis na pangungulila. "Sina Richard kaya baka may alam sila," tanong ko ulit. Yinakap niya ako, inaalo at pinapatahan sa pag-iyak. "Tessa." Napalingon kami kina Tin na dumating, kasama niya ang buong barkada marahil ay p