JANINA Kasalukuyan kaming naglilibot dito sa divisoria kasama sina Yela at Yana. Alas-dies ng umaga ng gumayak kami papunta dito. Mag-iikot kami sa kahabaan ng Ilaya para maghanap ng mga supplier para sa aming online shop. Pagka-out ko kagabi sa trabaho ay dumiretso na ako ng Manila. Napag-usapan kasi naming mag-night market at kinaumagahan ay sa mga suppliers naman kami pupunta. Magsisimula na ang "ber months" kaya naman medyo madami ngayon ang order sa online shop ko. Mamimili na din ako ng pangtinda sa sari-sari store ni nanay. Dahil ber months na ay pinagamit na din sa amin ang aming three days leave with pay as preparation for the upcoming peak season. Magiging busy kami sa mga buwan na iyon at hindi kami magkaroon ng day offs hanggang matapos ang taon na ito. Sana kayanin ng a