JANINA "Good morning, baby." Message iyan na galing kay Justin kaninang five am. Nangingiti ako habang paulit-ulit na binabasa ang mensahe na tatlong letra lang naman pero kalahating araw ko na yatang inuulit basahin. Tama na, Janina. Baka mamaya masagot mo siya agad ng wala sa oras, paalala ng balimbing kong utak. Nailing ako. Binura ko ang mensahe niya sa aking inbox para walang distraction. Pangalawang araw ngayon ng offset ko kaya wala pa rin akong pasok. Maaga akong gumising para matulungan si nanay sa pagluluto ng mga order sa kaniyang pagkain. Sampung bilao ng limang klaseng potahe ang order na kailangan niyang mailuto ngayon. Alas-dos na ng hapon ng matapos namin at sakto na alas-tres ang usapan nila ng pag-pick up ng orders. Nakakapagod na araw. Kada linggo ay may mga o

