JANINA'S Naging tahimik ako hanggang sa makababa kami ng bus ni Justin. Naglakad ako palabas ng terminal. Nakasunod lang din siya sa akin. "Doon lang ako." Tinuro ko ang kabilang bahagi ng kalsada kung nasaan ang university na pinagtapusan ko ng kolehiyo. Tumango siya. "Saan ka pa pupunta pagkatapos mo diyan?" tanong niya. "Diretso na siguro ako ng UN, sa NBI," sagot ko. Tumango ulit siya. "Mauna na ako. Ingat ka sa lakad mo. Salamat sa pag-treat ng pamasahe. Balang araw makakabawi din ako sa'yo. Ililibre kita," sabi ko habang nakangiti. Tipid siyang nangiti at tumango. "Be careful." Tumalikot na ako at nagsimulang maglakad. Kailangang makatapos ako agad. Saktong alas-otso y media ng umaga na. Inabot din ako ng tatlumpong minuto bago ako tinawag. May ibang mga graduate studen