JANINA Ilang minuto ang nakalipas at nanatiling hawak pa din ni Justin ang kamay ko gamit ang kanan niyang kamay habang ang kaliwang braso naman niya ay nakaakbay sa akin. Jowa lang ang peg? Hindi ako naging komportable, hindi din ako nakakilos at nanatili lang akong nakaupo ng diretso habang ang tingin ko ay sa bintana lang ng bus, kahit pa nangangalay na ako. Tumitili ang utak ko habang ang puso ko naman ay gusto ng kumalawa sa aking dibdib dahil sa malakas at mabilis na pagtibok neto. Ang mga paru-paru sa aking tiyan ay nagsimula ding mag-fiesta. Lahat ng ito ay bago para sa akin at tanging si Justin lang ang nagparamdam sa akin ng ganitong sensasyon. Bumuntong hininga ako. Naiinis na ako. Plano ba niyang umakbay sa akin hanggang sa makababa ang katabi niyang babae? Hindi ako