JANINA'S POV Nag-alangan akong pindutin ang door bell ng makarating ako sa tapat ng pinto ng kaniyang condo. Mabilis ang t***k ng puso dahil sa nainom kong alak at kaba. Ang tapang ko kanina nang hinamon ako ng mga kaibigan niya tapos ngayon bigla akong nagdalawang isip kung tutuloy pa ba ako o aalis na. Parang nawala ang alak sa aking sistema. Dapat pala nagpakalasing muna ako ng husto bago nagpunta dito pampakapal ng mukha. Bahala na nga. Kung sisinghalan man niya ako na gaya ng lagi niyang ginagawa, atleast may pang-inis na ako kay Adele. Tiyak na mag-a-alburoto iyon kapag nalaman na pinuntahan ko ang fiancee niya. Ang makalapit lang siguro ako kay Justin ay abot langit na ang galit no'n sa akin, ano pa kaya kung nagtagumpay ako sa plano kong pang-aakit sa mahal niyang fiance.