JANINA'S POV Hindi ako puwedeng makita ni nanay na nasa ganitong ayos kaya naman napagpasiyahan kong kina Yana at Yela na lang magpunta. "Hi, beshi," bati sa akin ni Yela habang ngiting-ngiti pero agad ding nawala ng makita ang itsura ko. Pagkapasok sa unit niya ay sa kusina ako nagpunta para maghanap ng alak. "Aga namang mag-inom neto," usal ni Yela. Mapait akong ngumiti bago ininom ang alak na sinalin ko sa baso. Napapikit ako ng gumuhit ang init sa aking lalamunan. "Ano'ng nangyari?" nag-aalalang tanong nila. Huminga ako ng malalim at sinimulang magkuwento. "I thought, it will be the best day of my life after how many years of being miserable." Pinunasan ko ang luhang kumawala mula sa aking mga mata. "I wake up with a great plan in my mind. I bought a cake. I even bought an