JANINA'S POV Sobrang gaan ng pakiramdam ko pagkagising. Tila walang hinarap na problema sa nakaraang mga araw. Nag-inat pa ako ng buong katawan bago ako pumasok sa loob ng banyo. Nangingiti ako habang nagkukuskos ako ng aking katawan. Kinagat ko ang aking pang-ibabang labi upang pigilan ang paglapad ng aking ngiti. Kahit ano'ng saway ko sa sarili ay hindi ko mapigilang hindi mangiti. Napuyat ako dahil sa matinding pag-iisip pero hindi masakit ang ulo ko. Well, iba talaga kapag masaya. Bakit kaya no? Kapag malungkot ka at puyat sumasama ang pakiramdam mo. Pero kapag masaya ka, parang ang gaan ng lahat. Ang corny ko naman. Napailing-iling ako. Pagkatapos maligo ay pumili ako ng maayos na dress. Naglagay ng light make up saka lumabas ng kuwarto. Nadatnan ko sa kusina si nanay