JANINA Papatulog na ako ng mag-ring ang celphone ko. As expected, si Justin na naman ang tumatawag. Iniwan ko ang celphone ko dito sa bahay kanina, at pagdating ko ng hapon ay tambak na ang mga messages at miscalls galing sa kaniya. Ano kaya ang kailangan niya sa akin? Naalala ko na naman si Jonna... Umiyak siya. Pagdating ko ay mugto ang mga mata niya. Ayaw pa niyang sabihin ang dahilan ng pag-iyak niya noong una pero kalaunan ay napilit ko din. Nagpunta daw si Justin at may dala pa daw siyang pasalubong para sa amin. Nang hinanap ko sa kaniya kung nasaan ang pasalubong na binigay... tinuro lang niya ang basurahan. Nailing ako. Sayang naman ang mga pagkain, mukhang mahal pa man din. Kaso wala na akong magagawa pa. Talagang galit si Jonna kaya niya nagawa 'yon. Pakiramdam daw niya