JANINA'S POV Magkasama kaming sumakay sa limousine ni Justin papuntang reception. Habang nasa biyahe ay naramdaman ko na naman ang pagbaliktad ng aking sikmura. Nanlalata na naman ako at nanghihina dahilan para maging matamlay ako. Hindi ako umiimik at si Justin naman ay naging tahimik din at tila nakikiramdam lang. Napapabuntong hininga ako. Naalala ko ang macaroni salad sa bahay. Dapat pala sinabihan ko si nanay kanina na magdala kami noon. Sa pinakamalaking luxury hotel na pagmamay-ari nina Justin ang venue ng reception. Nakakalula ang ayos ng lahat. Sa movie ko lang ito noon nakikita. Kahit sa panaginip ay hindi ko inakalang mararanasan ko ang ganitong ka-enggrandeng kasal. Sa simbahan ay ilang milyon na ang nagastos nila para lang sa decoration. Justin, gave me a wedding o

