JANINA'S POV Mula dito sa taas ay tinuro ni Justin ang bahay na nakatayo sa gubat na nasa gitna ng isla. Ito ang magsisilbing paraiso namin sa loob ng pitong araw. Lumubog na ang araw kaya naman hindi ko na makita ang kagandahang taglay ng luntiang paligid. Minabuti niyang magpahatid na lang kami sa chopper hanggang dito sa isang isla na nasasakupan ng Cagayan Valley para hindi ako mapagod. Hindi niya gusto ang ideyang sasakay kami ng eroplano hanggang sa airport ng Lal-lo at land travel hanggang sa Sta. Ana, at muling sasakay ng bangka para marating ang isla. Sa Bali daw ang una niyang plano pero nang malamang buntis ako ay c-in-ancel niya. After ko na lang daw manganak. I doubt it kung makakaalis pa kami nu'n lalo at dalawa agad ang anak namin. Nang makalapag ang chopper il

