Irish POV Hindi nagtagal at pumasok si Ate Mohana sa silid na kinaroroonan ko kasama na si Lily. Parehong nagmamadali ang kilos at galaw ng mga ito ng lumapit sa akin. "Handa na ang lahat Irish. Naihanda ko na ang mga kape. Ako ang magdadala noon at ikaw naman sa mga tinapay. Maiwan si Lily dito dahil siya ang bahala para maputol at mawalan ng kuryente oras na tatawid ka sa main gate. Kapag nakita mo na biglang namatay ang lahat ng ilaw at power ng kuryente sa paligid tumakbo ka ng mabilis. Sa left side, papasok iyon ng gubat nasa dead end tayo ng Santa Barbara. Ari-arian ni Master ang lahat ng nakapaligid dito maliban sa kanan na babaybayin mo ay kalsada palabas ng property ni Master. Tandaan mo Irish, kung gusto mong makatakas, sikapin mo na hindi ka nila maabutan at mahuli dahil kapag