Collin POV. Kanina pa ako balisa habang nakikinig ng presentation ng income and profits namin ngayong first quarter ng taon. Kasama ang mga investor at finance team ko, tutok ang atensyon ng lahat habang malinaw na makikita sa board kung gaano kalaki ang net worth ng project na ginawa ko. Biglang tumunog ang cellphone na nasa bulsa ko kay kaya mabilis na tiningnan ko ito. Napailing na lang ako ng makitang si Calla ang tumawag na karaniwang ginagawa nito simula ng magising ito at naging mabuti na ang kondisyon nito. "What do you want, Calla?" tanong ko agad dito. "Kuya, hindi ka maniniwala sa nakita ko ngayon," bungad na sabi nito sa akin. Nahilot ko ang sintido ko. Kahit kailan talaga walang pinipiling oras at panahon si Calla para abalahin ako. Tumawag lang ito para ipaalam sa akin k