Irish POV. Matapos kumain ay pinili kong umakyat at bumalik sa silid ni Collin. Iniwan ko itong nakatingin sa akin pero ni hindi ako nag-abalang kausapin ito kahit pa may tinatanong siya sa akin. Baka kapag pinakitunguhan ko siya ng mabuti ay isipin niya na ayos na kami at okay lang sa akin na kinidnap at ikinulong niya ulit ako dito. Ilang sandali pa ay pumasok si Collin dala ang ilang malalaking paper bag na lumapit sa akin at binigay ang mga damit umano na pinamili ng mga tauhan nito. Nakasimangot na tiningnan ko ang lahat ng laman sa loob hanggang sa kahuli-hulihang peraso saka walang pakialam na ikinalat sa sofa na kinauupuan ko. Alam ko na nakamasid si Collin sa akin kaya pinili ko ang isa sa mga nighties na dala nito at mabilis na pumasok sa loob ng banyo para magbihis. Bak