Irish POV. Nakatulugan kong muli ang sitwasyon namin ni Collin kanina. Tanghali na ng magising ako at napabalikwas ng bagon ng maalala na kailangan kong umalis para pumunta ng hacienda. Kailangan ko kasing makuha ang lahat ng dukumento para maayos ko na at matubos ang nakasanlang lupain sa bangko. Malaking bagay kasi na may binigay na pera sa akin si Collin para magamit ko pantubos sa pagkakasala ng lupain ni Don Pablo sa bangko. Wala na si Collin sa tabi ko ng lingunin ko ang bahagi ng kama kung saan ito nakahiga kagabi katabi ko. Mabilis na pumasok ako sa banyo para lang mapako sa kinatatayuan ko dahil napasukan ko si Collin na naliligo at walang kahit anong saplot sa katawan. "I-im sorry, h-hindi ko alam na narito ka," nauutal na hinging paumanhin ko. "It's okay, patapos na rin a