Chapter 35

2248 Words

Irish POV Gabi na naman, heto at magha-hating gabi na pero dilat pa rin ang mga mata ko. Nakakabaliw ang mag-isa at katahimikan dito sa loob ng silid. Pakiramdam ko ay lalo akong nanghihina habang walang ginagawa at narito lamang sa loob ng malawak na silid ni Collin. Gustuhin ko man kumilos at lumabas para gumawa ng kahit ano ay wala talaga akong lakas para gawin ang bagay na gusto ko. Hindi ko alam na ganito pala kahirap Ang mabuntis dahil wala naman akong nakitang nahirapan ang Mama ko ng pinagbubuntis nito ang mga nakababatang kapatid ko. Isang buntong-hininga ang pinakawalan ko bago nagpasya na tumayo at lumabas sa verandah. Dito sa lugar na ito ako malimit manatili at minsan ay inaabot ng madaling araw tuwing hindi ako makatulog at maraming pumapasok na kung anu-ano sa isipan ko

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD