Irish POV Dalawang araw pa ang lumipas masaya ako na nakausap ko ulit ang Mama ko matapos tumawag at ipalam na nakalabas na umano sila ng ospital. Kahit hirap ako sa first trimester ng pagbubuntis ko dahil kulang na lang ay ayaw tumanggap ng sikmura ko ng kahit anong pagkain ay bigla akong nagkaroon ng lakas. Malaking bagay sa akin ang kaalaman na nasa maayos na kondisyon na ang Papa ko. Kahit nagka-mild stroke ito ay malaki rin umano ang tsansa na maging mabuti ang lagay ng katawan nito basta ituloy lamang ang therapy at ehersisyo sa bahay. Sa ngayon, heto ako nakaupo sa sofa habang kagat-kagat ang buto ng pakwan. Ito kasi ang nakahiligan kong gawin sa tuwing nag-iisa ako at walang ibang magawa kun'di ang manood ng television dito sa loob ng silid ni Collin. Hindi na muna ako pinapab