Collin POV Agad na tinawag ko ang mga tauhan ko at tumatakbo ng mabilis palabas ng bakuran ng bahay ko sa pag-asa na abutan ko si Irish pero bigo ako dahil kahit ginamit ko na ang drone para makita ito ay walang nangyari. Negative ang lugar na markahan na last location ni Irish dahil walang kahit anong bakas niya sa lugar na itinuro ng drone ni Felix. Ilang oras na ginalugad ko ang buong lugar pero hindi ko ito natagpuan. Papa-dilim na rin, pero, ayaw ko siyang sukuan. Kahit anong mangyari ay hahanapin ko si Irish kaya walang tigil ang ikot ko sa lugar malapit sa huling location kung saan siya na trace ng drone. Kapag kasi ganun ay imposible na makalayo agad ito lalo na at wala namang ibang daan palabas sa ari-arian ko. Wala rin namang dumadaan na sasakyan dito kaya hindi malayong nari