“Bondservants, obey in everything those who are your earthly masters, not by way of eye-service, as people-pleasers, but with sincerity of heart, fearing the Lord.” – Colossians 3:22 -- Chapter 40 Part 1 Angel Loise Kailanman ay hindi ko na naisip na may mangyayari pang ganito sa buhay ko. Sa tingin ko noon parusa ang pagsilang sa akin. Na ang mga magulang ay magkapatid sa ama. At ako ay bunga ng kasalanan. Sa batas ng tao, sa mata ng tao at sa Diyos. Kumalap ako ng mga istoryang may kaparehong pagkataong tulad ko. I found a forum, posted on the internet kung saan nagkukwento sa kanilang naiibang family background. Ang ilan sa kanila ay hindi napigil ang damdamin kahit na magkadugo. Pinigilan ng pamilya pero hindi nakinig. Itinakwil sila ng kani kanilang magulang at mga kaanak. A