Chapter 40 Part 2 Angel Loise Umawang ang labi ko. Tumibok ng napakalakas ang puso ko habang nagtitigan kaming dalawa. Ang mata niya… ay parang nagsasabing may kaba, takot at kasiyahan siyang binubunyag sa akin. And I was so surprised! All my life, Jandro Amante siya. I never called him Draco. Akala ko rin ay pangalan niya lang iyon sa Mexico. “Draco…” I murmured. Siniil niya ako ng halik. His love for me is always there. Parang palaging bago at umaapaw sa lahat ng oras. “You are Angel Loise Estrella-de Narvaez. My wife…” He kissed me again and again. Tinulak ko siyang bahagya nang tumikhim si Richard sa gilid namin. “Aalis na muna kami, Jandro, Angel,” Uminit ang pisngi. Kasalanan ‘to ni Jandro! Pagkaalis nina Richard, natahimik ako. Pasulyap sulyap ako kay Jandro maging