“If you have been raised with Christ, seek the things that are above, where Christ is, seated at the right hand of God. Set your minds on the things that are above, not on things that are on earth. For you have died, and your life is hidden with Christ in God.” – Colossians 3:1-3 -- Chapter 38 Heaven I called Debra’s phone multiple times. Nang sabihin sa akin ni Nana Yolly na pupuntahan ni Angel sa Inn ang kaibigan namin para dalhan ng gamot ay kinutuban na ako. Wala sa Inn si Debra. She’s still with Gerry. At kung babalik siya roon ay malalaman ko dahil ako ang nagpapa-reserve ng kwarto sa kanya o kay Angel man. Pero wala akong natatanggap na tawag sa kanya o notice sa Inn. Paanong naroon si Debra? “Kanina pa niya hawak ang cellphone niya. Malamang na hinihintay ang tawag nina J