“Therefore let no one pass judgment on you in questions of food and drink, or with regard to a festival or a new moon or a Sabbath. These are a shadow of the things to come, but the substance belongs to Christ.” – Colossians 2:16-17 -- Chapter 37 Angel Loise “Mag-iingat kayo.” Tumingkayad ako para mahalikan si Jandro. Pero sinalubong niya ang labi ko kung kaya nabitin ang paa ko sa pagtaas. Pagkadantay ng labi niya ay hinapit niya ako sa baywang. Ang plano kong mababaw na halik ay hinigitan niya ng mas madiin at mapusok. I closed my eyes for a while and indulged myself into his arms and kiss. “Tama na ‘yan. May kakausapin pa tayo.” Boses ni Dreau. Nasa labas kami ng villa nila. Pati ang ibang tauhan kasama si Cardo ay naroon din at nakabantay. Magdadala pa sila ng tauhan kaya m