“He disarmed the rulers and authorities and put them to open shame, by triumphing over them in him.” – Colossians 2:15 -- Chapter 36 Angel Loise We talked about it. Hindi pwedeng pabayaang masira ang pangalan niya nang dahil sa akin. Oo. Nang dahil sa akin kaya naungkat ang sindikatong pinagmulan ni Jandro at maging ni Dreau, pero ang sabi niya ay siya lang ang dinidiin ni Mayor Roque. At binubuhay nito ang grupong matagal nang naglaho. Hindi niya dinawit si Dreau. Alam kong dahil sa kapangyarihan at koneksyon ng isang Frago. Pero hindi niya ginawa kay Jandro. Bakit? Dahil hindi kasing rangya at makoneksyon ito tulad ni Dreau? Mula sa tahimik na pag-inom ng whiskey, binaba ni Jandro ang baso sa mesa. Matalim ang kanyang mga matang nakatitig sa sahig. Kanina pa siya umiinom at hindi