Amber’s POV Nagising akong ramdam na ramdam ang pamamaga sa aking mata. Hindi muna ako bumangon kahit na alam kong kanina pa panay tunog itong aking alarm clock. Kailanman ay wala pa ako sa mood na bumangon at harapin ang panibagong hamon ng aking buhay. I can’t still forget on what happened yesterday. Hindi na kasing sakit kahapon ngunit ramdam na ramdam ko pa rin ang bakas mula sa aking puso. Siguro ganoon nga talaga ang lahat ng bagay dito sa mundo. Kapag nasugatan ay maaaring gagaling ang sugat ngunit kailanman ay hindi mawawala ang bakas ng sugat doon. Mananatili iyong nakaukit at kailanman ay hindi na magagawang hawiin pa. “Amber, hija? Hindi wala kang pasok ngayon? Hindi ba at sa weekend pa ang day off mo? Anong oras na? Bumangaon ka na riyan at nang makapaghanda para sa trabaho,

