Amber’s POV I stayed on his eyes. Ni isang beses ay hindi ko siya iniwasan ng atensyon. Kahit masakit ay pinilit kong makita ang kaniyang mga mata. Kahit anong pilit kong isipin na tanggapin at subukang bigyan siya ng pangalawang pagkakataon ngunit hindi ko kaya. Bakas pa rin sa aking isipan ang sinabi niya kanina at kailanman ay hinding—hindi iyon mawawala sa aking alaala. Hindi pa niya ako hihiwalayan dahil hindi pa siya tapos sa akin, dammit! Sobrang sakit! Wala naman sigurong babaeng hindi masasaktan kapag narinig mo ang mg katatagan na iyon mula mismo sa lalaking minahal mo at binigay mo lahat sa kaniya. Mula nang narinig ko ang katotohanan kanina, mula nang malaman ko mismo ang totoong hangarin sa likod ng mga pinakita ni Luke sa akin ay kasabay n’on ang pagbabago ng tingin ko s

