Amber’s POV “Saan mo gustong bumili ng pagkain? Sa fast-food o sa restaurant?” tanong ni Luke matapos ang ilang minutong katahimikan. Nakatuon lang ang aking atensyon sa bandang labas mismo nitong sasakyan. Mula sa labas ay pansin na pansin ko ang mga taong abala sa kani—kanilang morning routine. Iyong iba ay binubuksan ang kani—kanilang paninda at iyon iba naman ay nag—aabang ng masasakyan na alam kong papunta na rin ang mga iyon sa kani—kanilang trabaho. “Sa restaurant, maraming choices,” mahinang sagot ko sa kaniya nang hindi ko siya binalingan ng tingin. Hindi na rin siya sumagot pa na alam kong pokus na rin ito sa pagmamaneho. I wonder if what will happen in the future. Hindi ko alam kung tama ba itong pinasok ko. I now, there is no feeling that is constant in this world. Kung ano