Amber’s POV Nagising ako nang marinig ko ang tunog ng aking alarm clock. Sa sandaling ito ay hindi ko pa sana gusto ang gumusing ngunit wala akong ibang pagpipilian kung hindi ang gawin ang nararapat sa araw na ito. This is the reality; to wake up early in the morning, get dress and go to work. Pinatay ko ang aking alarm clock. Tulad ng nakasanayan ay alas sais na. Kaagad akong bumangon mula sa pagkakahiga sa aking kamay. Buo pa rin sa aking isipan ang nangyari sa amin ni Luke kagabi sa mismong hotel niya. I wonder if what will happen next. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko kung sakaling magkita man kaming muli. Kagabi ang siyang kauna—unahang mangyari sa bagay na tulad n’on sa buong buhay ko. Ni hindi ko alam kung nararapat ba akong maiilang sa kay Luke taliwas sa mga ginagawa