Amber’s POV “Amber, baby. Alas dyes na,” ang boses ni Luke ang siyang kaagad na gumising sa akin. Hindi kaagad ako nakamulat ng aking mga mata sa halip ay mas lalo o pang idinitdit ang aking mukha sa unan na nasa harapan ko ngayon. Alas dyes na? Hindi ko na namalayang mahigit isang oras pala akong tulog at hanggang ngayon ay inaamin kong hindi pa rin napawi ang pagod mula sa aking katawan. I open my eyes at sa pagbukas ko na iyon ay si Luke ang unang bumungad sa aking paningin. Nakaupo lang ito sa gilid nitong kamay habang nakatingin lang sa akin. He is topless but already wearing his boxers. Nakangiti pa itong nakatuon sa aking mga mata. “W—what?” nauutal kong tanong sa kaniya. Mas lalo lang lumapad ang kaniyang pagngiti kaya sa sandaling ito ay hindi ko na mapigilan pa ang mapakunot