Amber’s POV Buong akala ko ay totohanin niya ang sinabi niya kanina na sa lodge ang punta namin. Siguro kung talagang doon ang punta namin ay mapipilitan akong lumabas ng sasakyan ng wala sa oras. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko sa pagpasok pa lang ng lodging house na tinutukoy niya. Sa isang sikat na restaurant sa siyudad kami huminto. Nakahinga na rin ako nang mas maluwag sa mga sandaling ito. Buong biyahe pa naman akong tuliro at hindi mapakali ang iniisip lalo pa sa tuwing iniisip ko ang huling katatagang binitawan niya kaninaa. “Anong oras tayo uuwi?” bungad ko sa kaniya nang tuluyan na niyang nabuksan ang pinto nitong front seat. Hindi kaagad ako humakbang palabas doon sa halip ay nakatingin lang ako sa kaniyang mga mata. “Hindi pa nga tayo nakapasok sa loob pero