Amber’s POV Ilang minuto akong naghintay sa magiging sagot niya sa tanong ko ngunit wala akong natanggap ni isang mensahe mula sa kaniya. Panay pa ang tingin ko sa screen ng aking phone pero wala ni isang notification ang nagpop—up roon. Minuto hanggang sa dumating ang kalahating oras at hindi pa rin siya nagreply. Ano ito? Ghosting? Matapos siyang magpadala sa akin ng grocery ay iyon na lang ‘yon at wala man lang siyang sinasabi? Napagpasyahan kong buksan muli ang inbox aking inbox. Nagtipa akong muli roon. “Wala ka bang sasabihin?” tanong ko sa kaniya saka muling pinatay ang aking screen. Bumaling ang aking atensyon sa mesa sa gilid nitong munting kama ko. Mula roon ay sumagi sa aking mga mata ang box na kulay pula. Napakunot ako ng aking noo habang iniisip kung ano ang posibleng l