Amber’s POV “Sa head offices ka raw ngayon, Amber.” Ang bungad sa akin ng kasama ko nang makarating ako sa bukana ng pinto ng opisina namin. Hindi pa nga ako nakapasok sa loob ay ang boses na niya kaagad ang siyang unang bumungad sa aking atensyon. “A—ano?” tanong ko ngunit nang bumaling ako sa kaniya ay tuluyan na siyang nakalayo. Hawak—hawak n anito ang gamit panlinis. Alas syete y media pa naman at himala dahil maaga silang nagsidatingan at maglilinis. Hindi ko na lang siya pinansin sa halip ay tuluyan na lang akong pumasok sa loob ng opisina. Roon ay wala na akong ibang nadatnan pa, ni hindi ko napansin ang head namin kaya hindi na ako nag—aksaya pa ng ilang minuto at kasunod kong ginawa ay ang magbihis na lang sa dressing room ng uniporme namin bilang housekeeper. Nang makalabas a