Sandra’s POV “Ito nak, dalhin mo ito sa boss mo. Sigurado akong magugustuhan niya ang kakanin na ito,” si nanay habang abala ito sa pagbabalot ng kakaning biko. Napapikit ako. Ewan ko rito kay nanay, kanina ko pa siya pinagsabihan na hinding—hindi na kailangan pero nagpumilit pa rin siya. “Nay, hindi ba at sinabi kong hindi na kailangan? Baka nga hindi niya kilala ang pagkain na ito at paano naman niya iyon kakainin kung ganoon?” tanong ko kay nanay. Nakatayo lang ako ngayon sa kaniyang likuran habang pinagmasdan siyang balutin ang kakanin gamit ang disposable tupper wear. Sanay si nanay na gumawa ng kakanin araw—araw dahil iyon ang nagsisilbing panuwang niya sa pangangailangan dito sa bahay. Dahil sa kakanin niya ay kahit papaano ay may extra income siya at nakatutulong rin siya sa ak