Amber’s POV Buong araw akong hindi mapakali. Ilang beses kong pinag—isipan ang tungkol sa alok niyang iyon. Buong araw akong nag—iisip kong tatanggapin ko ba o hindi. Minsan na akong pumayag sa gusto niya ay naging bangungot sa alaala ko ang mga sandaling iyon. Minsan ko nang ibinigay sa kaniya ang nais niyang nangyari pero nauwi lang ang lahat sa bangungot kaya ayaw na ayaw ko na iyong mangyari pang muli. Pero kung hindi ko tatanggapin ay saan naman ako hahanap ng perang pambayad? Saan naman ako makakakita ng ganoon kalaking halaga sa isang iglap lang? Dammit, Amber! Ano ba itong pinasok niya. Despite of everything, how could he? Paano niya nagawang pagsamantalahan ang pagkakataong nangangailangan ako ng tulong? Ginamit niya ang kahirapan ko para makuha ang gusto niya. Alam na alam n