Amber’s POV Nagising ako nang maramdaman ko ang init ng sinag ng araw sa aking mukha. Mas lalo ko lang pinikit ang aking mga mata at mas lalong iginiit ang sarili sa malambot na unan. Hindi ko alam kung anong oras na ba pero hindi pa naman tumunog ang alarm clock ko kaya sigurado akong wala pa sa saktong oras para gumising. Pero hindi ko alam kung ano ang nakain ni nanay at bakit sobrang aga niyang magbukas ng bintana. Antok na antok pa ako kaya gusto ko pang matulog pero nauna na niyang binuksan ang bintana kaya wala akong ibang magawa kung hindi ang sapilitan na lang na magising. “Nay, ano ba. Anong oras na ba at bakit ang aga—aga?” tanong ko sa kaniya habang halatang—halata mula sa likod ng aking boses ang matinding antok. Gising na ang kaluluwa ko pero nakapikit pa rin ang aking mg