Amber's POV "Ikaw, ikaw ang kailangan ko, Miss San Jose. Hindi mo na nahahalata at kailangan mo pang itanong 'yon?" Hindi kaagad ako nakagalaw dahil sa sinabi niyang 'yon. Hindi ko alam, malinaw na naman sa akin ang lahat. Malinaw na sa akin ang sagot niya. Malakas naman ang pagkakasabi niya at rinig na rinig ko iyon ngunit hindi ko mawari kung bakit hindi ko pa rin siya maintindihan. "Luke, hindi mo ako maintindihan eh." Mula sa kaniya ay mabilis kong inalis ang atensyon ko at ibinaling na lang sa daan kung saan nakaharap ang kaniyang kotse sa mga sandaling ito. Humugot ako ng malalim na hininga saka iyon pinakawalan. "Paanong ako ang kailangan mo? Walang-wala nga ako kumpara sa 'yo. Wala kang makukuha sa akin at mas lalong wala kang-" "Tatanggapin mo ba ang alok ko o hindi? Babawiin