Amber's POV "Panalo ka na naman sa pustahan. Hindi ba at iyon lang naman ang gusto mo? Ang mukuha siya? Then why did you stay until now? Maari mo na siyang hiwalayan, Luke." I can't hear any answer. Saglit na binalot ng matinding katahimikan ang opisina ni Luke. Ngayon pa lang ay alam ko na kung sino-sino ang mga ito na nag-uusap sa loob ng opisina ni Luke. I did a deep sigh. Hindi ko alam kung dapat ko pa bang ipagpapatuloy ang pakikinig mula rito sa labas. Gusto ko mang tumigil at lumayo na lang pero parang may nag-uudyok sa akin na makinig at alamin kung ano ba talaga ang totoong pinag-uusapan nila. Lalo pa ngayong parang may kakaiba sa mga katatagang binitawan nila. I feel something from it at gusto kong alamin iyon. Mas lalo ko lang idiniin ang aking tainga sa pinto nitong o