Luke's POV "Ano na ang plano? It's already a week, Luke pero wala pa ring nangyayari. Hindi matatapos ito kung wala tayong gagawin," I hear Levi from the other line. Hindi kaagad ako nagsalita. Gusto ko sanang ibaba ang tawag na ito ngunit napagtanto kong siguro, tama si Levi at tapayang walang mangyayari kung wala kaming gagawin mananatili lang kami sa ganito. I know her. Sa ilang linggo naming pagsasama ay napagtanto kong talagang kakaiba siya sa mga babaeng nagdaan sa kamay ko. Hindi siya iyong tipong nakukuha mo kaagad nang isang tingin o kaya kindat lang. Mahigit isang linggo na pero hindi ko pa rin napapansin na tuluyan na nitong ibinigay ang tiwala sa akin. Siguro ay tama si Levi. Walang mangyayari at talagang hindi ito matapos-tapos kung wala kaming gagawin. "Ano ba ang