Amber’s POV TIningnan ko siya nang mas malinaw. Sa mga sandaling ito ay parang ramdam na ramdam ko ang mga kakaibang pagtitig nito sa akin at hindi ko alam kung bakit. Siguro dahil sa sinabi niya kanina na siyang labis na nagpapabagabag sa aking nararamdaman. Ngumiti ako. Sa bawat pagngiti ko ay pinapakita ko sa kaniya ang pagyayabang. Mula sa kung saan ay mas lalo ko lang nilapit ang aking atensyon sa kaniyang mga mata. Mula sa ilang metro ay unti—unting naging pulgada na lang ang layo ng aming mga tingin. Buti na lang at hindi siya lumayo kaya tuluyan ko nang nailapit ang aking mukha malapitan sa kaniya. “Bakit?” huminto ako at palihim na humugot ng hininga. Mas lalo lang lumapad ang aking mga pagngiti sa mga oras na ito. “Kakainin mo na ba ang sariling rule na gawa mo? Rule number 1