Amber’s POV Hindi ko na siya tinginan pa sa halip ay diretso na akong pumasok sa bahay. Ilang minuto pa ang lumipas nang marinig kong tuluyan nang nakaalis ang sasakyan niya sa tapat ng bahay. Tulog na sina nanay at ang mga kapatid ko nang pumasok ako sa loob. Alas nuebe na nang makauwi ako at inaamin kong sa mga sandaling ito ay inaantok na rin ako. I quickly go to my room. Mabilis akong nagbihis pagkatapos ay ang humiga sa aking kama. Ilang minuto akong nakahiga roon at nakatingin sa kisame. Hindi ko na talaga siya maintindihan. Panay ang sabi niya sa akin na wala siyang interes pero bakit iba ang pinapakita niya sa bawat mensahe niya sa akin? Ano ba talaga ang tunay na nararamdaman niya? Bumaling ako sa aking cellphone. Hindi ko alam ngunit sa gabing ito ay nais kong alamin ang tot