Amber’s POV Tahimik lang ako nakaupo sa tabi ni Luke. Ni isang beses ay hindi ako nagtatangkang magsalta. Hindi ko rin siya binalingan ng tingin at tanging ginawa ko na lang ay ang tumingin sa labas nitong sasakyan. Ilang taon rin ang lumipas bago ako nakasakay muli sa sasakyan na ito. I was here before at sa mga panahong iyon ay maraming alaala ang nabuo. Minsan na akong nakarating sa siyudad na ito. Minsan na akong nakagala at kasama ang lalaking katabi ko ngayon. But the fate suddenly changes. May rason at dahilan ang tadhana kung bakit nangyari ang mga nakaraan na iyon at makikita naman sa kasalukuyan. Hindi ko alam kung saan kami pupunta ngayon. Hindi ko alam kung saang cafeteria ba o saang lugar kami mag—uusap. Hindi ko rin alam kung ano ang pag—uusapan namin lalo pa at masyado n

