Lucas' POV "Kumusta na sila?" Nakatingin lang ako kay Troy habang hinihintay ang magiging sagot niya sa tanong ko. Ilang segundo pa ang lumipas ngunit wala akong nakuha ni isang katatagan mula sa kaniya. He just keep on looking at the wall while the wide smile is visible in his mouth. Hindi ko alam ngunit parang bakas na bakas mula sa kaniyang bibig ang pagiging masaya. "Troy, nakikinig ka na sa akin?" Tanong kong muli, sinadya ko rin na i-angat ang aking boses at nang marinig niya nang maayos ang sasabihin ko. "Lucas. S-sorry, hindi kita napansin. Bakit, ano na ang sinabi mo?" Mabilis itong bumaling sa aking atensyon kasabay ang pagbitaw ng mga katatagang 'yon. I wonder what bothers him the most. Hindi ko alam kung ano ang dahilan at ang nasa likod ng mga ngiti niya ngayon sa aki

