Amber’s POV Nagising ako nang marinig ko ang ingay ng aking alarm clock. Hindi muna ako bumangon mula sa aking kama lalo pa at alam ko namang may allowance pa akong oras roon. Advance ang naka—set sa aking alarm nang limang minuto at sinadya ko iyon at nang may ilang minuto pa akong pwedeng gumulong sa kama at magmuni—muni muna bago bumangon at maligo para makapaghanda sa trabaho. “Amber, hija! Kanina pa nakatunog ang alarm clock mo, baka late ka na sa trabaho mo niyan,” rinig ko pa ang pagkatok ni nanay sa pinto. “Opo, nay! Kanina pa po ako gising. Lalabas na po,” ang mabilis kong sagot sa kaniya. “Oo siya, bilisan mo riyan! Huwag mo munang patayin ang airconditioner, maglilinis pa ako riyan.” Wika ni nanay kasabay ng tunog ng mga hakbang nitong papalayo na mula sa aking kuwarto. Our

